A Travellerspoint blog

"Ang Pinakamatinding Awayan sa Showbiz Part 2"

Top Showbiz Personalities of 2011

From 'I Heart You Pare' to 'I Hate You Pare'!

I_Heart_You_Pare.jpg

Kung nagkabati na sina Super Inday at Golden Bibi ay mukhang imposible namang magkabalikan pa ng loob sina Songbird at Heartthrob na dating close at magkapareha sa show na "I Heart You Pare".

Kung araw-araw tayong pinakikilig ng tambalang Songbird at Heartthrob ay tila iba namang eksena ang nagaganap sa likod ng mga kamera. Galit na galit diumano ang dalawa sa isa't isa. Ayon sa ating insider ay ilang buwan na ring di naging maganda ang turingan nila towards each other. Matatandaang umalis sa show na "I Heart You Pare" si Songbird noong nakaraang October ng nakaraang taon sa di-malamang dahilan. Gayunpaman ay napagkikita pa rin ang dalawa na magkasama sa iba nilang mga shows kagaya ng "Party Pilipinas" at "Pinoy Pop Superstar" kung saan main host si Songbird at co-host niya naman si Heartthrob.

Ilan sa mga kasamahan nila sa PPS ang medyo nakakahalata na may iringan na nga na namamagitan sa dalawa. Nariyang nagdededmahan sila bago mag-umpisa ang show o di kaya'y nagpapatutsadahan sila sa isa't isa on a live telecast. Noong nakaraang linggo lang ay medyo uminit daw ang sagutan ng dalawa sa harap ng jurors nang kinampihan nila ang kani-kanilang mga manok. Di daw maitago ni Heartthrob ang matinding galit niya kay Songbird habang si Songbird naman ay nagmamatigas sa kanyang mga comments na halos ikinaloka daw ng head ng jurors.

Sinubukang inalam ng The Bash kung ano ang puno't dulo ng sigalot ng dalawa pero di namin makunan ng pahayag si Heartthrob na pawang "no comment" o "we're good friends" lang ang sagot. Tinanong din namin ang mga malalapit na kaibigan ng dalawa lalo na ang mga co-stars nila sa "I Heart You Pare" pero wala pa rin kaming makuhang matinong sagot.

Misteryosang Morenang Aktres: "Masyado na daw hectic ang schedule ni Songbird kaya inaatake siya ng migraine parati sa set. Kaya happy naman ako kasi ako ang pinili niyang pumalit sa role niya."

Music Man: "Ang sabi lang ni Songbird sa akin eh ina-avoid lang daw niya na baka mahulog ang loob niya kay Heartthrob kasi parang realistic na daw ang mga sweet na eksena nila sa show. I think nagdyo-joke lang si Songbird."

Mrs. Music Man: "Baka buntis na sya kay Songwriter."

Sa kabilang dako naman ay nakunan namin ng makahulugang pahayag ang ilan sa mga kaibigan nila.

Seksing Kulot na Aktres: "Mukhang di na happy si Songbird sa show kaya siya umalis."

Supermodel Turned Fashion Designer Turned Photographer: "Alam niyo naman si Songbird pag di na happy umaayaw na. I don't know kung sa show or with someone."

Seksing Mestisahing Tsinitang Aktres: "Di namin masyadong napag-uusapan sa early morning show namin ni Heartthrob kung ba't umalis si Songbird sa show nila. Basta tahimik lang naman parati si Heartthrob."

Nagpalabas na rin ng statement noong nakaraang December ang Road Manager ng dalawa: "Both of them are having their own personal issues right now and it's too private so we respect their choice to remain silent."

Ngunit kamakailan lamang ay lumabas ang usaping nagngitngit diumano sa galit itong si Songbird dahil di daw matinong katrabaho itong si Heartthrob. Kaya daw napapagod ng husto si Songbird ay dahil siya na lang parati ang nagpo-promote ng kanilang show pero equal pa rin daw ang talent fee nila gayong mas marami namang ginagawa si Songbird kumpara kay Heartthrob. Sinagot naman ito ni Songbird nang makapanayam namin siya sa presscon ng concert niya, "mabuting tao at mabait na kaibigan naman itong si Heartthrob kaya lang may mga di pagkakaunawaan lang talaga sa pagitan naming dalawa lalo na sa trabaho. Kaya lang minsan nagiging personalan na kaya ako na lang ang umiiwas na lumaki pa ang sama ng loob ko sa kanya. I think he knows why I left the show."

Biyernes ng gabi nang makausap namin ang dating Talent Manager ng dalawa na tanging may alam na mas matindi talaga ang rason kung kaya di magkaayos-ayos ang dalawa, "I think kaya napakalaki ng tampo ni Songbird kay Heartthrob kasi may mga times na pinapapabayaan lang ni Heartthrob si Songbird sa ere na mag-isa. Masyadong seryoso kasi itong si Songbird sa trabaho niya while ini-enjoy lang ni Heartthrob ang kasikatan niya. In fairness to Heartthrob, di niya talaga alam ang totoong reason kung bakit bigla nag-quit si Songbird sa 'I Heart You Pare'. Biglaan lang. Minsan tinanong ko si Heartthrob kung siya ba ang dahilan eh medyo uminit ang ulo niya at may mga bagay rin siyang di nagustuhan na ginawa ni Songbird gaya ng mga pagpaparinig niya ng kung anu-ano sa Twitter at Facebook niya kaya medyo nagiging personalan na ang awayan nila."

Ito ang naging huling pahayag ni dating Talent Manager ng dalawa nang tanungin namin siya kung posible pa bang magkabati ang dalawa, "sa tingin ko mukhang tuloy ang laban hanggang 2012 kasi pareho silang ma-pride, eh. Unless isa sa kanila ang unang makipagbati but that I don't know how or paano nila umpisahang magkaayos. As of right now, imposible. They're two impossible personalities."

Susunod sa The Bash:

Pinulot Ka Lang sa Lupa

silhouette_man_woman.gif

"Ang Pinakamatinding Dedmahang TV Network Executive at Patpating Aktor"

.

Posted by postergurl 23:14

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint