A Travellerspoint blog

"Ang Pinakamatinding Awayan sa Showbiz"

Top Showbiz Personalities of 2011

Super Inday and the Golden Bibi

couple_20f..ohuette.jpg

Medyo matagal-tagal din ang naging hidwaan nitong dalawang elitistang direktor na naging lingid sa kaalaman ng upper management. Ayon sa panayam ng The Bash kay Madam Charo kamakailan ay di umabot sa kanila ang balita kahit na umabot na ito sa Facebook na ikinawindang naman ni Multi-Talented Director (MTD) na malapit sa dalawa.

Ayon kay MTD ay una siyang nagtaka nang mag-status si Super Inday sa FB na sinisira diumano ni Golden Bibi ang rating ng show ni Super Inday sa pamamagitan ng pang-aakit ng mga talents ni Golden Bibi sa mga talents ni Super Inday.

Sumunod ang mga mainitrigang status ng talent ni Golden Bibi na si Matangkad na Sexy Model Actress (MSMA) na pinatatamaan naman si Super Inday. Dati nang nagkaroon ng isyu sina Super Inday at MSMA noon dahil kay Action Star na naayos din sa bandang huli pero ngayon ay isang panibagong awayan na naman ang muling nag-umpisa dahil nga diumano ay "bad influence" si MSMA sa kanyang boyfriend na si Skinhead Actor na talent naman ni Super Inday.

Dagdag pa nito ang namumuong pagtitingan nina Shy Actor (talent ni Super Inday) at ni Baguhang Charming Actress (talent ni Golden Bibi) na dahilan diumano kung bakit bumaba ang rating ni Shy Actor noong mga nakaraang buwan. Di na rin bago ang tsismis na pinagbabawalan ni Super Inday ang kanyang mga talent na sina Matangkad na Morenong Aktor (MMA) at Shy Actor na makipagkaibigan kina Golden Bibi at sa matalik na kaibigan nitong si Shudi Ann Santos.

"Imposible namang walang matinding dahilan ang kaguluhang ito. Sana naman ay maayos ang isyung ito dahil dati namang malapit na magkakaibigan sina Super Inday at Golden Bibi at okay na rin sina Super Inday at si MSMA, di ba?", pahayag ni Madam Charo.

Dahil dito ay inalam ng The Bash ang puno't dulo ng sigalot nina Super Inday at Golden Bibi. Una naming nakunan ng pahayag si Super Inday: "All these time akala ko kaibigan ko si Golden Bibi pero sinisiraan nya pala ako. Di ko alam kung bakit galit na galit sya sa akin. Dahil ba close ako sa mga male talents ko lalo na kay MMA na kinababaliwan niya? Pero bakit naman siya magagalit sa akin eh iniimbitahan ko nga sya kung may party kami ng mga talents ko? One day, nakatanggap na lang ako ng masamang text galing kay Golden Bibi na alam kong di nya intensyong i-send sa akin. Wrong sent to the right person."

Ayon kay Super Inday ang laman diumano ng text na yon ay inaakusahan diumano siya ni Golden Bibi na naninira siya ng plano. That was the time daw inimbitahan ni Golden Bibi ang ilan sa mga talents ni Super Inday sa isang after-party pero hinarang naman daw ito ni Super Inday. Masyadong nasaktan daw si Super Inday sa text na yon ni Golden Bibi kaya kinumpronta niya ang huli sa loob ng editing room na deny to death naman daw si Golden Bibi. Di nagkaroon ng magandang closure ang usapang iyon kaya di nagtagal ay lalong tumitindi ang iringan ng dalawa hanggang sa nadamay na ang kanilang mga talents. Hanggang sa umabot na ito sa kaalaman ni Miss Wilma at pinakiusapan na nito ang dalawa na muling mag-usap.

Personal namang kinausap ni Super Inday si Golden Bibi at sincere naman daw itong humingi ng tawad. Matapos silang mag-usap ay kinausap naman ni Super Inday si MSMA hanggang sa naging okay na ang lahat. Sa kasalukuyan ay normal na nag-uusap at lumalabas ang dalawa. Sana naman ay di na ito muling maulit pa. LOVE LOVE LOVE.

Sa pagbabalik ng The Bash:

I Hate You Pare!

168678_101..52947_n.jpg

"Ang Pinamatinding Awayang Songbird at Heartthrob"

.

Posted by postergurl 19:08 Comments (0)

The Year That Washed!

Top Showbiz Personalities of 2011

Ang Pinaka Kontrobersyal!

Ang Pinaka Pinag-uusapan!

Ang Pinaka Pinagkakaguluhan!

Ang Pinaka Patok!

Ang Pinaka Inaabangan!

Ang Pinaka Maeskandalo!

Ang Pinaka Nangunguna sa Balita!

Ang Pinaka Maintriga!

Ang Pinaka Top Showbiz Personalities sa Taong 2011.

ILALAHAD NA!!!

large_6Silhouette..024x707.jpg

Posted by postergurl 16:36 Comments (0)

(Entries 11 - 12 of 12) « Page 1 2 [3]