A Travellerspoint blog

"Yes, I am having an affair with..."

Starlet, Ipinagkakalat na May Nangyari na sa Kanila ni Ultimate Hearthrob

Da Who Ang Babaeng Itich?

imagesCACYSZ8O.jpg

Abangan...

imagesCAS2WSXQ.jpg

Ang Buong Pagsambulat ng Katotohanan!

.

Posted by postergurl 03:01 Comments (9)

The Greatest Reveal (Part 2)

Rakista, Batang Ama, Seksing Kulot na Aktres at si Singer Turned Dramatic Actor

ska.jpg

"Hindi po ako ang dahilan kung bakit naghiwalay si Batang Ama at si Seksing Kulot na Aktres", ito ang naging unang pahayag ni Rakista ng kapanayamin siya ng The Bash kamakailan.

Napabalita kasing na-link si Rakista kay Seksing Kulot na Aktres dahil parati itong nakikitang kasama ng cast and crew ng show na Dekalidad gayong di naman siya part ng show. Naisulat rin na nagseselos ang dating dyowa ni Seksing Kulot na Aktres na si Batang Ama kay Rakista. "Seksing Kulot na Aktres and I are just really really good friends among the other casts of Dekalidad. Nahihiya na nga akong bumisita sa set nila dahil nahihiya ako kay Seksing Kulot na Aktres."

Dalawang buwan na ring hiwalay sina Seksing Kulot na Aktres at Batang Ama at lumipat na rin ang huli sa kabilang network. Ngayong single na ulit si Seksing Kulot na Aktres wala bang planong ligawan ni Rakista ang dalaga? "Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Seksing Kulot na Aktres, But I think she's not ready pa for another relationship. We are enjoying naman getting to know each other more pa eh. Malay natin di ba? Basta ngayon lalong lumalalim ang friendship namin lalo pa't nasasangkot na rin siya sa mga isyu ko."

Di ba nati-threaten si Rakista ngayong balitang nagpapa-cute si Singer Turned Dramatic Actor kay Seksing Kulot na Aktres?

"Hahaha... Nakakatawa naman yan. Baka gimik na naman yan ni Singer Turned Dramatic Actor kasi nanahimik ang career nya ngayon. Kawawa naman ang friend ko na si Seksing Kulot na Aktres gagamitin lang. Eh, nakakatakot yang si Singer Turned Dramatic Actor no. panay ang padala ng messages nyan, kung nag-breakfast ba ako, mga how's my day, mga can we be friends... kakatakot eh mas malaki pa katawan nya kesa sa akin. Oi, off the record to ha."

Haler? Wala kayang off button ang The Bash Recorder.

Posted by postergurl 01:03 Comments (3)

The Greatest Reveal (Part 1)

Si Rakista at ang Baguhang Aktor

rakista1.bmp

"Hindi po totoo ang usap-usapan tungkol sa amin ni Baguhang Aktor", ito ang naging unang pahayag ni Rakista ng eksklusibong makapanayam siya ni Startalk Host Golden Bibi aka Virginal B.

Naging bulung-bulungan sa pantry, sa CR, sa smoking area, sa lockers, sa penthouse at sa siomai-yan ang isyu tungkol kay Rakista at ni Baguhang Aktor nang may nakakita diumano na nagpapadala ng mensahe ang sumisikat na Rakista sa batang aktor na bagong salta pa lamang sa showbiz.

"Kilala ko kung sino ang nagpapakalat ng tsismis na iyan, Bibi. Marahil ay galit siya sa akin at malaki ang pagkakagusto niya kay Baguhang Aktor", wari pa ni Rakista na medyo nagngangalit sa galit.

Golden Bibi: "Maari mo bang pangalanan kung sino ang nagpapakalat ng tsismis na ito?"

Rakista: "Si Vice Uganda po."

Ikinagulat ni Golden Bibi ang naging pahayag ni Rakista, "Di ba dati kayong magkasama ni Vice Uganda sa Showtime? At di nga ba napabalitang na-inlab ang baklang yon sa iyo? Eh bakit ka naman niya sisiraan?"

Rakista: "Oo nga po. Nagulat nga din po ako... pero di naman po siguro totoo na na-inlab siya sa akin. Ang alam ko na gustong-gusto niya ay si Baguhang Aktor nang maging mentor siya nito sa isang workshop."

Golden Bibi: "So, sinisiraan ka lang ni Vice Uganda kasi nagseselos siya? Close ba kayo ni Baguhang Aktor?"

Rakista: "Hindi naman po kami close ni Baguhang Aktor. We're friends. But not really close. Di ko nga alam kung bakit ganon katindi yong tsismis na nagsi-send daw po ako ng message na 'kakain' at 'punta ng bahay' at kung ano-ano pa eh wala naman pong katotohanan yon. Isa pa, may ka-live in na po yung si Baguhang Aktor. Long time boyfriend niya ata."

Lalong napanganga ng bunggang-bunggah si Golden Bibi sa mga revelations ni Rakista, "May ka-live in na siya? At 'boyfriend'? Ganon ba? Hmmm... di nga kayo close. Pero di ba tinanggal na sa show si Baguhang Aktor? Nasaan na siya? Balita namin pina-stop mo na daw siyang mag-showbiz para kayo na daw ang magsama?"

Rakista: "Huh? Hindi po totoo yan. Di ko pa alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Tanungin niyo na lang po siya o di kaya si Vice Uganda."

Golden Bibi: "At balita ko titigil ka na daw sa showbiz?"

Rakista: "Masyado marumi ang showbiz. Pero kung kilala mo ang sarili mo at alam mo kung ano ang tama at mali ay di ka papayag na madungisan ng showbiz. Sa ngayon po ang plano ko patuloy muna ako sa pagkanta. At pinag-iisipan ko na rin po ang offer sa akin na sumabak na rin sa TV series na Upper East Side."

Golden Bibi: "Nakakatuwa naman kung ganon. So hindi totoo ang tungkol sa inyo ni Baguhang Aktor at sinisiraan ka lang ni Vice Uganda at hindi kayo close at hindi ka titigil sa pag-aartista?"

Rakista: "Opo. Gusto ko lang po talagang linawin ang maruming intriga tungkol sa amin ni Baguhang Aktor."

Golden Bibi: "So, hindi ka bakla?"

Rakista: "Hindi po ako bakla."

Golden Bibi: "So lalaki ka kaya ka nai-involve ngayon kay Seksing Kulot na Aktres? At ikaw nga ba ang dahilan ng hiwalayang Seksing Kulot na Aktres at ni Batang Ama?"

[Itutuloy]

Posted by postergurl 16:38 Comments (3)

The Greatest Reveal

Rakista, Nagsalita Na!

imagesCAD8BHLZ.jpg

Binasag na nga ni Rakista ang kanyang pananahimik sa intrigang nagdadawit sa kanya sa pakikipag-relasyon sa isang baguhang aktor at ang haka-hakang paglisan niya sa network kaugnay ng nasabing intriga.

"Masyadong marumi ang showbiz."

Alamin ang buong katotohanan na namamagitan sa kanila ng baguhang aktor at ni Seksing Kulot na Aktres at ni Singer Turned Dramatic Actor.

At iba pang mga maiinit na revelations ni Rakista sa muling pagbabalik ng The Bash!

Posted by postergurl 16:51 Comments (0)

"Ang Pinakamatinding Awayan sa Showbiz Part 2"

Top Showbiz Personalities of 2011

From 'I Heart You Pare' to 'I Hate You Pare'!

I_Heart_You_Pare.jpg

Kung nagkabati na sina Super Inday at Golden Bibi ay mukhang imposible namang magkabalikan pa ng loob sina Songbird at Heartthrob na dating close at magkapareha sa show na "I Heart You Pare".

Kung araw-araw tayong pinakikilig ng tambalang Songbird at Heartthrob ay tila iba namang eksena ang nagaganap sa likod ng mga kamera. Galit na galit diumano ang dalawa sa isa't isa. Ayon sa ating insider ay ilang buwan na ring di naging maganda ang turingan nila towards each other. Matatandaang umalis sa show na "I Heart You Pare" si Songbird noong nakaraang October ng nakaraang taon sa di-malamang dahilan. Gayunpaman ay napagkikita pa rin ang dalawa na magkasama sa iba nilang mga shows kagaya ng "Party Pilipinas" at "Pinoy Pop Superstar" kung saan main host si Songbird at co-host niya naman si Heartthrob.

Ilan sa mga kasamahan nila sa PPS ang medyo nakakahalata na may iringan na nga na namamagitan sa dalawa. Nariyang nagdededmahan sila bago mag-umpisa ang show o di kaya'y nagpapatutsadahan sila sa isa't isa on a live telecast. Noong nakaraang linggo lang ay medyo uminit daw ang sagutan ng dalawa sa harap ng jurors nang kinampihan nila ang kani-kanilang mga manok. Di daw maitago ni Heartthrob ang matinding galit niya kay Songbird habang si Songbird naman ay nagmamatigas sa kanyang mga comments na halos ikinaloka daw ng head ng jurors.

Sinubukang inalam ng The Bash kung ano ang puno't dulo ng sigalot ng dalawa pero di namin makunan ng pahayag si Heartthrob na pawang "no comment" o "we're good friends" lang ang sagot. Tinanong din namin ang mga malalapit na kaibigan ng dalawa lalo na ang mga co-stars nila sa "I Heart You Pare" pero wala pa rin kaming makuhang matinong sagot.

Misteryosang Morenang Aktres: "Masyado na daw hectic ang schedule ni Songbird kaya inaatake siya ng migraine parati sa set. Kaya happy naman ako kasi ako ang pinili niyang pumalit sa role niya."

Music Man: "Ang sabi lang ni Songbird sa akin eh ina-avoid lang daw niya na baka mahulog ang loob niya kay Heartthrob kasi parang realistic na daw ang mga sweet na eksena nila sa show. I think nagdyo-joke lang si Songbird."

Mrs. Music Man: "Baka buntis na sya kay Songwriter."

Sa kabilang dako naman ay nakunan namin ng makahulugang pahayag ang ilan sa mga kaibigan nila.

Seksing Kulot na Aktres: "Mukhang di na happy si Songbird sa show kaya siya umalis."

Supermodel Turned Fashion Designer Turned Photographer: "Alam niyo naman si Songbird pag di na happy umaayaw na. I don't know kung sa show or with someone."

Seksing Mestisahing Tsinitang Aktres: "Di namin masyadong napag-uusapan sa early morning show namin ni Heartthrob kung ba't umalis si Songbird sa show nila. Basta tahimik lang naman parati si Heartthrob."

Nagpalabas na rin ng statement noong nakaraang December ang Road Manager ng dalawa: "Both of them are having their own personal issues right now and it's too private so we respect their choice to remain silent."

Ngunit kamakailan lamang ay lumabas ang usaping nagngitngit diumano sa galit itong si Songbird dahil di daw matinong katrabaho itong si Heartthrob. Kaya daw napapagod ng husto si Songbird ay dahil siya na lang parati ang nagpo-promote ng kanilang show pero equal pa rin daw ang talent fee nila gayong mas marami namang ginagawa si Songbird kumpara kay Heartthrob. Sinagot naman ito ni Songbird nang makapanayam namin siya sa presscon ng concert niya, "mabuting tao at mabait na kaibigan naman itong si Heartthrob kaya lang may mga di pagkakaunawaan lang talaga sa pagitan naming dalawa lalo na sa trabaho. Kaya lang minsan nagiging personalan na kaya ako na lang ang umiiwas na lumaki pa ang sama ng loob ko sa kanya. I think he knows why I left the show."

Biyernes ng gabi nang makausap namin ang dating Talent Manager ng dalawa na tanging may alam na mas matindi talaga ang rason kung kaya di magkaayos-ayos ang dalawa, "I think kaya napakalaki ng tampo ni Songbird kay Heartthrob kasi may mga times na pinapapabayaan lang ni Heartthrob si Songbird sa ere na mag-isa. Masyadong seryoso kasi itong si Songbird sa trabaho niya while ini-enjoy lang ni Heartthrob ang kasikatan niya. In fairness to Heartthrob, di niya talaga alam ang totoong reason kung bakit bigla nag-quit si Songbird sa 'I Heart You Pare'. Biglaan lang. Minsan tinanong ko si Heartthrob kung siya ba ang dahilan eh medyo uminit ang ulo niya at may mga bagay rin siyang di nagustuhan na ginawa ni Songbird gaya ng mga pagpaparinig niya ng kung anu-ano sa Twitter at Facebook niya kaya medyo nagiging personalan na ang awayan nila."

Ito ang naging huling pahayag ni dating Talent Manager ng dalawa nang tanungin namin siya kung posible pa bang magkabati ang dalawa, "sa tingin ko mukhang tuloy ang laban hanggang 2012 kasi pareho silang ma-pride, eh. Unless isa sa kanila ang unang makipagbati but that I don't know how or paano nila umpisahang magkaayos. As of right now, imposible. They're two impossible personalities."

Susunod sa The Bash:

Pinulot Ka Lang sa Lupa

silhouette_man_woman.gif

"Ang Pinakamatinding Dedmahang TV Network Executive at Patpating Aktor"

.

Posted by postergurl 23:14 Comments (0)

(Entries 6 - 10 of 12) « Page 1 [2] 3 »